KETO DIET NAKATUTULONG SA ROLE AT HEALTH NI TOM

SCENES(NI ROMMEL GONZALES)

AYON  kay Tom Rodriguez, pareho ang dedication at passion niya kung panghapon man o primetime ang show niya.

“For me it’s the same. As long as I’m there working with brilliant people, with people who are just as excited and just as passionate to be where they are, I already feel like a winner.

“Hindi naman sa  dini-disregard ko ‘yung rating coz I know that it’s important. Pero, since it’s not something I directly have influence over. I mean, kung ano lang naman ‘yung trabaho ko, iyon lang makakaya kong gawin, eh.

“So doon lang ako nagpo-focus, sa kung ano ‘yung mae-enjoy ko, itong team na napakagaling at napaka-passionate sa ginagawa nila.”

Sa “Dragon Lady” (na napapanood sa GMA Afternoon Prime) ay gumaganap si Tom bilang si Michael Chan at si Janine dito ay si Celestina Sanchez.

“Sobrang excited ako na makasama sila, ganun kababaw ‘yung iniisip ko usually when I’m preparing for a show.”

Passionate si Tom sa kanyang acting career, kaya bukod sa pag-aaral ng Mandarin ay nag-aral siya ng rowing; may eksena kasi sa “Dragon Lady” na nasa isang rowing competition si Tom.

“One day lang, kasi humingi ako sa GMA na kung puwede akong mag-immerse  sa kanila, pinagbigyan naman ako. ‘Yun nga lang, the next day nag-taping na kami.”

Na-enjoy ni Tom ang rowing.

“Sobra! Hindi ako nakagalaw nung second day, gumugulong akong parang uod sa kama!” At natawa si Tom.

Kapag nagkaroon ng pagkakataon ay itutuloy daw ni Tom ang rowing bilang regular sport activity niya. Ready din si Tom sa shirtless scenes niya sa “Dragon Lady.”

“Kasi ngayon, naka-keto diet na ako. So far, parang okay naman sa akin. Ang hirap lang ng walang dairy, tsaka ‘yung mga carbs.”

Nakakatulong rin daw sa allergy ni Tom ang keto diet.

“I initially thought na since I have to prepare for a new role, I have to lose weight. At the same time, it might help me with my atopic dermatitis, ‘yung allergies ko, na sabi nila since  lately medyo nagpe-flare up siya nung umuwi ako ng Pilipinas galing sa States, sabi raw a keto diet helps  kasi carbs is very inflammatory eh.

“So nakaka-inflame o nakakamaga ‘yung mga rice, kahit mga quinoa, so for me, baka makatulong daw.”

Bago magsimula ang taping nila para sa “Dragon Lady” ay nagbakasyon sa Amerika si Tom.

Any wedding bells para sa kanila ni Carla Abellana this year?

“Ah… I don’t wanna put  a definite date to it pero we’re working up to it.”

This year kaya?

“Secret,” sagot ni Tom.

 

101

Related posts

Leave a Comment