PHILHEALTH KAAGAPAY VS MEASLES

philhealth10

GINARANTIYAHAN ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang publiko na tutulong ang ahensiya sa pasyenteng mako-confine dahil sa tigdas. Ito ay sa harap ng deklarasyon ng measles outbreak sa Metro Manila, Central Luzon at iba pang panig ng bansa.

Sinabi ng PhilHealth na ang coverage sa tigdas ay aabot mula P7,700 hanggang P25,700. Kung walang kumplikasyon, P7,700 ang maaaring itulong ng ahensiya habang ang tigdas na may kumplikasyon ng pneumonia ay aabot ng hanggang P15,000. Ang confinement dahil sa tigdas na ang kumplikasyon ay meningitis ay matutugunan ng hanggang P25,700.

Maging ang mga hindi miyembro ng PhilHealth ay maaari ring makakuha ng benepisyo kung mako-confine dahil sa kumplikasyon ng tigdas.

“Ang mga pasyenteng walang aktibong PhilHealth coverage ay maaari pa ring makakuha ng benepisyo sa pamamagitan ng Point of Service (POS) kung saan agad-agad silang makakukuha ng health insurance. Kung makikitang salat ng social worker ng ospital, babayaran ng gobyerno ang premium ng isang taong PhilHealth coverage epektibo sa panahon ng kakailanganin ito,” ayon kay PhilHealth acting president and CEO, Dr. Roy B. Ferrer.

Sa mga may kakayahang magbayad, ang mga pasyente ay papayagang magbayad ng kahit isang taong halaga ng kontribusyon para makakuha ng benepisyo. Ang POS au makukuha lamang sa PhilHealth accredited government-owned health care provider institution.

Kaugnay nito, sinabi ng PhilHealth na ang mga Indigent, Sponsored, Kasambahay, Senior Citizen at Lifetime members ang kanilang kuwalipikadong dependents ay sakop din ng ‘No Balance Billing Policy” na tumitiyak sa zero oou-of-pocket sa panig ng miyembrong naka-confine sa ward ng anumang gobyernong pasilidad.

Ang mga magulang na hindi pa napapabakunahan ang mga anak ay hinimok na dalhin ang mga ito sa alinmang government hospital o health center para mabigyan ng libreng bakuna sa tigdas.

Parents of unvaccinated children, on the other hand, are urged to bring their children at any government hospital or health center to avail of free measles vaccines. “Vaccine is still the first line of defense. We encourage our members to have their children vaccinated against measles. However, when already confined, we assure our members and even non-members that PhilHealth is here to provide them with the financial protection they need”, sabi pa ni Ferrer.

 

12

Related posts

Leave a Comment