INIUTOS ng Sandiganbayan ang suspensiyon ni House Deputy Speaker Prospero Pichay dahil sa umano’y chess event na inisponsor nito gamit ang pondo ng gobyerno.
Nahaharap si Pichay sa graft at ethics charges dahil sa umano’y illegal na pag-apruba sa pagpapalabas ng P1.5 milyong Local Water Utilities Administration (LWUA) funds noong 2010 para sa chess event.
Huwebes ng hapon nang ilabas ang 5-pahinang desisyon na nag-uutos ang Sandiganbayan 4th Division sa Kamara ng 90-araw na suspensiyon kay Pichay.
Unang ibinasura ng Sandiganbayan ang argumento ni Pichay na hindi siya maaaring suspendihin dahil ang Kongreso lamang ang maaaring mag-utos ng kanyang suspensiyon.
Sinabi nito na kasalukuyan siyang halal na opisyal at ang alegasyon ay nangyari noong siya ay LWUA chair pa lamang.
298