(Ni NOEL ABUEL)
Dapat na maghain ng protesta ang gobyerno ng Pilipinas laban sa ginawang pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa mga Filipinong mangingisda sa Panatag (Scarborough) Shoal.
Giit ni Senador Chiz Escudero, hindi dapat na magsawalang-kibo ang pamahalaan sa muling sin-apit ng mga mangingisdang Pinoy sa kamay ng mga tauhan ng Chinese coast guard habang nangingisda ang mga ito sa nasabing karagatan.
“I strongly urge the gov’t to immediately protest the ‘acts of ownership’ exhibited by the Chinese Coastguard against our fishermen and media. They should not let this pass! Otherwise, it may be considered as acquiescence of China’s right over our very own territorial sea,” naka post sa twitter account ni Escudero.
Nabatid na nakunan ng video ng grupo ng GMA News’ Reporter’s Notebook ang ginawang pagharang sa mga ito ng Chinese coast guard habang nagsasagawa ng dokumentaryo.
Samantala, pinuri naman ni Senador Aquilino Pimentel III ang ginawang desisyon ni Department of Defense Delfin Lorenzana noong nakalipas na 2016 na huwag magpadala ng Philippine Navy contingent sa Scarborough Shoal kasunod ng pabor na desisyon sa UN Permanent Court of Arbitration.
“For me, it was a good call. Otherwise, tensions might have escalated to beyond a controllable point,” ani Pimentel, presidente ng ruling na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).
402