(NI BERNARD TAGUINOD)
KINASTIGO sa Mababang Kapulungan ng Kongreso si Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief regulator Patrick Ty hinggil sa komento nito na kumuha ng lang ng maiinom na tubig ang mga apektado sa water interruption sa mga fast food chain.
“Inireklamo ng ating mga nanay ang maruming tubig mula sa Maynilad bukod pa sa water service interruptions. Marami na ang may diarrhea sa mga komunidad. Pero ang tugon ng MWSS, kumuha na lang daw ng tubig sa Jollibee,” ani Gabriela party-lsit Rep. Arlene Brosas.
Noong Martes ay nakipagdayalogo ang Makabayan bloc sa Kamara sa MWSS para alamin ang sitwasyon ng supply ng tubig sa Metro Manila lalo na’t hindi pa tumataas na lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ayon sa mambabatas, ipinakikita lamang ni Ty ang kawalang pakialam umano nito sa sitwasyon ng mga consumers dahil sa water interruption na nagsimula sa residente na sakop ng Manila Water noong Marso at naapektuhan na rin ang mga sineserbisyuhan ng Maynilad.
“In trying to make light the situation, the MWSS in fact trivializes the woes of affected mothers and exposes its failure to provide concrete solutions to the lingering water crisis,” dagdag pa ng lady solon.
148