Pinao-audit ng solon sa COA P15-B IRM NG PHILHEALTH MAANOMALYA

(BERNARD TAGUINOD)

AGAD pinakilos ng isang mambabatas sa Kamara ang Commission on Audit (COA) para busisiin ang P15 billion ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na pinaniniwalaang maanomalya matapos ang anunsyo na 92% sa nasabing pondo ay liquidated na.

Ginawa ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang kautusan sa COA matapos sabihin ni PhilHealth President Dante Gierran na 92% sa nasabing pondo ay na-liquidate na.

“There was already a finding by Congress that the Interim Reimbursement Mechanism (IRM) is anomalous. This so-called liquidation will not just make it all right or erase the fact that it is anomalous, or, even criminal,” ani Zarate.

Ang nasabing pondo ay inilaan ng PhilHealth at ibinigay na advance payment sa mga pagamutan para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19 noong nakaraang taon.

Gayunman, sa joint hearing ng House committee on good government and public accountability at Committee on public accounts na dating pinamumunuan nina Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado at AnaKalusugan party-list Rep. Mike Defensor, natuklasan na kabilang sa mga binigyan ng nasabing pondo ay mga private hospital na walang kakayahang gumamot ng pasyente ng COVID-19.

Dahil dito, mistulang duda si Zarate na na-liquidate na ng mga pagamutan ang pondong ibinigay sa mga ito ng PhilHealth lalo na ang mga private hospital na hindi kuwalipikadong tumanggap ng nasabing pondo.

“The Commission on Audit (COA) should conduct a special audit on PhilHealth’s fund and this anomalous IRM as soon as possible,” ani Zarate upang malaman kung papaano nakapag-liquidate ang mga private hospital na walang ginamot na COVID-19 patient.

Kasama sa nabigyan umano ng pondo ay mga lying-in clinic at dialysis centers kaya nais malaman ng mambabatas kung papaano nakapag-liquidate ang mga ito at kung nagbalik ba sila ng pera o hindi.

“The P15B involved in this case is even much bigger than the P10-B Napoles pork barrel scam. A deeper investigation or audit must be conducted and those responsible be made accountable, especially since PhilHealth is again planning to hike the contribution of its members,” ayon pa kay Zarate.

34

Related posts

Leave a Comment