MAG-ASAWA PINASOK SA BAHAY, PINATAY; ANAK TINANGAY

PINAGBABARIL at napatay ang mag-asawa na pinaghihinalaang konektado sa kalakalan ng ilegal na droga habang tinangay ng mga salarin ang kanilang anak kagabi sa Biñan City, Laguna.

Pinaghihinalaang distributor at financier ng droga ang mag-asawang Jose Garry Domingo Sr. at Loida Domingo kaya kabilang ito sa mga tinitingnang motibo sa krimen.

Ayon sa ulat, dumating ang mga hindi pa nakikilalang salarin at pinasok ang bahay ng mag-asawa sa Zone 1, Dulong Ilaya, Malaban, sa nasabing lungsod. Agad pinagbabaril ang mga biktima at sa pagtakas ng mga salarin ay tinangay ng mga ito ang anak ng mag-asawa na si Jose Jr.

Isinugod pa sa Ospital ng Binan ang mag-asawa ngunit idineklarang dead on arrival ang mga ito. (CYRILL QUILO)

74

Related posts

Leave a Comment