PINAS ANG NAG-AANI; IBA ANG KUMAKAIN

agri7

BAGAMA’T libu-libo ang produkto ng mga Agricultural Schools taon-taon, hindi ang Pilipinas ang nakikinabang sa kanilang talento kundi ang ibansa bansa dahil napapabayaan ang sektor ng agrikultura sa bansa.

Ito ang pangunahing dahilan kaya kinalampag ni House deputy speaker Sharon Garin ng AMMBIS-OWA party-list ang kongreso na pagtibayin na ang House Bill 6329 o Magna Carta of Agrcultural Development Workers na magbibigay proteksyon sa mga manggagawa sa sektor ng agrikultura.

“Every year, our country gains thousand of brillian agriculturist, aquaculturist, forester and other potential agricultural development workers. Instead of giving theirs service to the country, they choose to explore greener pastures abroad because they are not given enough job opportunities where they can practice what they have learned,” ani Garin.

Hindi naman umano masisisi ang mga ito dahil ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura ang may pinakamalaking porsyento sa under-employed sa Pilipinas o hindi kumpleto ang oras ng kanilang trabaho.

Ihinalimbawa ni Garin ang resulta ng pag-aaral ng Philippine Institure for Development Studies (PIDS) noong 2017 kung saan lumabas na 40% sa mga underemployed sa bansa ay mga manggagawa sa agricultural sector.

Dahil dito, kailangan na aniya ang Magna carta para sa manggagawa sa sektor na ito para magkaroon na ng security of tenure sa kanilang trabaho at hindi tulad ngayon na kung kailan lang sila kailangan ay saka sila nakakapagtrabaho.

Nais din ng mambabatas na itaas ang salary grade (SG) ng mga agricultural workers na nagtatrabaho sa gobyerno upang hindi na maisipan ng mga ito na mangibang bansa para lang kumita ng malaki.

Base sa mungkahi ni Garin, ang mga Agricultural Technicians sa gobyerno ay gagawing SG 11 (P20,179) mula sa SG 6 (14,340); SG 12 (P22.149) sa   Agriculturist mula sa SG 11 (P20,179) at Agricultural Technologis na gagawin nang SG 15 (P29,010) mula sa SG 10 (P18.718).

Dahil dito, umapela si Garin sa liderato ng Kamara na bigyan ng prayoridad ang nasabing panukala dahil kailangan na ng mga manggagawa sa sektor na ito ang tulong, hindi lamang ang mga nakapag-aral kundi ang mga ordinaryong manggagawa na saka lang nakakapagtrabaho kapag panahon ng taniman at anihan.

 

 

 

223

Related posts

Leave a Comment