(NI BERNARD TAGUINOD)
HINDI lang ang seguridad ng mga kritiko ng gobyerno ang malalagay sa alanganin kundi ang national security sa surveillance project ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Ito ang pinangangambahan nina Bayan Muna party-list Reps. Carlos Zarate at Eufemia Cullamat kaugnay ng nasabing proyekto na popondohan umano ng China at hahawakan ng Huawei.
‘Safe Philippine’ surveillance project of the Department of Interior and Local Government (DILG) “will only gravely place, ironically, in jeopardy and danger the lives of the people in numerous levels,” ani Zarate.
Ayon sa mambabatas, tiyak na maraming magaganap na paglabag sa karapatang pantao sa proyektong ito ay pangunahing biktima dito ay ang mga dissent o mga kritiko ng gobyerno.
Ang hindi nanganganib dito ay ang seguridad mismo ng bansa sa China lalo na’t ang Huawei ang hahawak sa proyekto gayung may history na ito sa pag-eespiya at hacking sa ibang bansa.
“Unsafe Philippines’ being a China-funded initiative and Huawei handling the surveillance project, this “Beijing-nization” of supposed public safety is in fact even a threat to Philippine national security,” ayon pa kay Zarate.
Dahil dito, dapat aniyang tutulan ang nasabing proyekto kahit sa tiniyak ni Sec. Eduardo Ano na pawang mga Filipino ang magpapatakbo sa surveillance projects na ito.
157