P312-B AMBAG NG PINOY SEAMEN SA EKONOMIYA

(NI BERNARD TAGUINOD)

AABOT sa $6 Billion o katumbas ng P312 bilyon ang magiging ambag ng seamen sa ekonomiya ng bansa ngayong taon.

Ito ang tinataya ng ACT-OFW coalition of organization na pinamumunuan ni dating Rep. Aniceto Bertiz III ukol sa remittance ng mga seaman bago matapos ang kasalukuyang taon.

“We expect the annual cash transfers from Filipino officers and ratings on international ocean-going vessels to continue to increase by mid to high single-digit rate,” ayon sa grupo.

Ginawa ng mga ito ang pagtataya matapos makapagpadala ng $4.87 Billion cash ang mga seaman mula Enero hanggang Setyembre 2019 na mas mataas sa $4.51 billion na naipadala ng mga ito sa kanilang pamilya sa Pilipinas sa kaparehong panahon noong 2018.

Nanguna ang mga seaman na nakabase sa Amerika sa may pinakamalaking naipadalang pera na umaabot sa $1.8 billion; Singapore ($512.5 million); Germany ($423.8 million) at Japan ($388.1 million);

Sumunod ang mga seaman sa United Kingdom ($242.5 million);  Netherlands ($216.9 million);  Hong Kong ($154.6 million); Panama ($126.9 million); Cyprus ($124.4 million) at Greece ($103.2 million).

“The growth is being driven by sustained enlistment, amid the tight global supply of ship officers in particular,” pahayag pa ng nasabing grupo ng mga manggagawang Filipino sa ibang bansa.

Indikasyon ito na mas pinapaboran sa nasabing industriya ang mga Filipino sailors kaya dumarami ang mga ito at lalong madadagdagan ang kanilang remittance sa kanilang pamilya sa Pilipinas na nakakatulong  ng malaki sa ekonomiya ng bansa.

 

165

Related posts

Leave a Comment