PINAS KULANG NA NG SKILLED WORKERS; TESDA KIKILOS

tesda22

(NI BETH JULIAN)

PINAKIKILOS na ng Malacanang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para mapunan ang kakulangan ng skilled workers sa bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, hindi sapat ang bilang ng mga skilled workers sa bansa para sa mga proyektong pang infrastructure ng pamahalaan.

Dahil dito ay kailangan nang makipsgtulungan ang TESDA sa Depsrtment of Labor and Employment (DoLE) at sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para matugunan sng kakulangan sa mga manggagawang Pinoy.

Iminungkahi rin ni Panelo sa TESDA na magtatag ng mga karagdagang  centers at training schools para sa mga Pinoy na nais magtrabaho para sa Build Build Build Program ng pamahalaan.

Naniniwala rin ang Malacanang na sa pamamagitan nito ay hindi na kinakailangan pang kumuha ng mga dayuhang skilled workers ang gobyerno.

219

Related posts

Leave a Comment