KASAMA naman pala sa 100th year or Centennial celebration ng Philippine Cinema ang oldest living Filipino actors and actresses ng bansa, o ang mga Philippine movie legends, tulad ng munti naming suggestion na lumabas sa aming column kamakalawa.
Mismong ang FDCP Chair na si Liza Diño Seguerra ang nag-comment sa aming Facebook post na kasali daw talaga sila sa line-up, last year pa. Tila ayaw lang muna niyang mag-reveal ng full details about it. On a separate comment, nagpasalamat rin si Liza sa list na aming na-research, at i-incorporate daw nila sa kanilang listahan.
Sa totoo lang, hindi naming akalaing “magte-trending” ang personal naming suggestion na ‘yun, dahil magmula nang ipost namin ‘yun sa aming social media accounts eh, ang daming natuwa at sumusuporta sa aming panukala.
Maging ang mga award-winning senior actresses na rin like Gina Pareño, Daria Ramirez, at Liza Lorena ay mga nag-agree.
Inuna muna namin sa list ang nasa edad na 80s to 90s, dahil mukhang sosobra na masyado ang number ng pararangalan kung pati ang nasa 70s age bracket ay isasama pa. Like, 79 years old pa lang pala sina Angie Ferro, Perla Bautista, Pilita Corrales, at Carmen Soriano.
Ang nakaligtaan nga naming include in our column last time ay sina Marlene Dauden (81), Barbara Perez (81), Daisy Romualdez (81), and Celia Rodriguez (80) among the legendary actresses.
Sa iconic actors naman, juice ko at ang oldest living actor pala ay hindi si Ramon Revilla Sr. (91), kundi si Rudy Francisco who is 94 years old! Siya rin ang “Oldest Sampaguitan” na buhay pa. He’s the father of RS Francisco, na bagama’t naging maiksi ang movie career noon (and decided to be a lawyer) eh he’s still with us until now. Sumikat rin ang McDonalds commercial niya (lolo nina Karen / Gina).
Bukod kina Eddie Garcia, Joseph Estrada, Joonee Gamboa, etc (na nasulat namin last time), idinadagdag din namin among the iconic living actors sina Tony Mabesa (84), Don Pepot (84), Bob Soler (81), Robert Arevalo (80). For sure, may nakalimutan pa rin kami with this list.
May message kaming natanggap, nakikita raw niya si Mona Lisa na nagsisimba sa isang simbahan sa Parañaque (where she lives) nang naka-wheelchair. Kung wala nang tatanda kay Mona Lisa, 96 years old, ay siya nga ang oldest living Pinoy actress, followed by Mila Del Sol at 95, then Anita Linda at 94 (who’s still active doing movies and TV work).
Personal po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga nag-comment sa aming FB account, nag-contribute ng ilang mga legendary names. Pati nga si Don Pepot na nag-migrate na sa Amerika, sa pagre-research lang naming nalamang tubong Malabon rin pala, like yours truly.
Salute and highest respect to these living legends! Karapat-dapat lang ang parangal na ito habang sila ay nabubuhay pa, to honor and recognize what they have done for our beloved movie industry – mula noon at ngayon.
129