JOROSS, NATAPOS DIN ANG COLLEGE AFTER 13 YEARS!

joross12

EXPRESS LOGO copy(NI RONALD M. RAFER)

After 13 years, nakatapos rin ng college si Joross Gamboa. Struggle talaga ‘yung nakatapos siya kasi siya ang nagpaaral sa sarili at kasabay nun ang pag-aartista niya.

Pagkatapos n’yang manalo as second runner-up sa Star Circle Quest nung 2004 (si Hero Angeles ang grand winner at si Sandara Park ang 1st runner-up), binalikan ni Joross ang pag-aaral habang nag-aartista siya. ‘Yun lang, pag busy s’ya, stop school o kaya minsan konti lang units niya.

Happily married si Joross kay Kathy (non-showbiz) at mayroon silang dalawang anak na lalake. Si Roxanne Guinoo ang ka-loveteam n’ya noon at naging magdyowa sila, but it didn’t last long. Kapwa nag-focus sa career ang dalawa dahil during that time, super hot sila.

Hindi nababakante si Joross sa TV man o pelikula. Lagi ring angat ang husay niya bilang aktor sa maliit o malaki mang role.

Joross recently won as Best Drama Actor  for “Alkansya,” in an episode of “Maalaala Mo Kaya” on ABS-CBN. Tinanggap niya mula sa GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) Hiyas Ng Sining Awards.

Kasama si Joross sa Alden Richards-Kathryn Bernardo movie at aalis sila next month for Hong Kong kung saan isu-shoot ang pelikula under Star Cinema.

# # #

Aliw ang bagong segment na “Bidaman” sa “It’s Showtime.”  May 3 male contestants na nagpapasiklaban sa pag-arte, pagsayaw at pagkanta. Siyempre, dapat guwapo kasi nga pangbida ang hinahanap nila.

Gusto ng mga televiewers ang bagong putahe. Nakakaumay na nga naman ‘yung mga beki sa “Ms Q & A.”  Pahinga muna sila.

Sa napanood namin noong Sabado, March 23, judges sina Aljur Abrenica, Denisse Laurel at Cathy Garcia-Molina.

Sa tatlong contestants, lamang ‘yung nauna na umeextra na sa TV at pelikula, at maganda ang boses. Kay Aljur nga, halos perfect ito, base sa comment niya.

Ang nanalo ay ‘yung pangalawa na si Jin Macapagal, taga-Cebu. Guwapo, at marunong namang umarte. Pero sa portion na pipili ang mga fans kung sino ang gusto nila, mas marami ang pumunta sa unang contestant. ‘Yun lang, win pa rin ang guwapong Cebuano at dinaig si Bulacan boy.

Sa comment ni Direk Cathy, sinabi niya na mahirap s’yang i-please sa ganitong klaseng contest. Sabi pa n’ya, kung hindi man manalo ‘yung isang contestant, isasama niya sa pelikula niya. Sey ni Vice Ganda, “Eh di ‘yun na ang winner! Mapasama ka sa pelikula ni Direk Cathy Garcia-Molina, winner ka na!”

Oo nga naman!

So sana nga, mangyari ‘yun at makita namin si Bulacan boy na bet namin kesa kay Cebuano boy.

‘Yung contestant #3 naman, like Vice said, “parang robot ang galaw.” Waley talaga. Pang-modelling lang s’ya gayung sumasali naman s’ya sa mga male pageants.

‘Yun lang!

136

Related posts

Leave a Comment