PINOY NURSE KAILANGAN SA GERMANY

pinay germany

(NI KEVIN COLLANTES)

INIHAYAG ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nagsisimula na silang tumanggap ng aplikasyon para sa mga nurses na nais magtrabaho sa Germany, sa ilalim ng Triple Win Project.

Ang Triple Win Project ay isang joint initiative ng German Federal Employment Agency (BA) at ng POEA, na naglalayong magpadala ng mga nursing professionals sa iba’t ibang bahagi ng Germany.

Nabatid na tinawag itong Triple Win Project dahil mabebenepisyuhan nito ang tatlong entities, particular na ang Pilipinas, Germany, at ang mga nurses.

Ayon sa POEA, maaaring mag-aplay ang lalaki at babaeng nurse, basta’t siya ay Filipino citizen, permanenteng residente ng Pilipinas na may degree na Bachelor of Science in Nursing, may aktibong Philippine Nursing License at may dalawang taong related professional experience (bedside) sa pagamutan, rehabilitation centers o di kaya ay care institutions.

Kinakailangan ding may German language proficiency ang aplikante o kaya’t handang sumailalim sa German language training sa Pilipinas upang makakuha ng Level B1, na babayaran naman ng kanyang employer.Dapat ring makadalo sila ng language class sa Abril at Mayo 2019; o di kaya’y mayroon nang Bl o B2 Language Proficiency Level, alinsunod sa Common European Framework of Reference for Languages.

Ang mga aplikanteng matatanggap sa trabaho ay makakatanggap ng starting monthly salary na  €1,900 (gross) na tataas pa ng hanggang € 2,300 sa sandaling kilalanin na siyang isang qualified nurse.

“The employer will pay the visa and airfare from the Philippines to Germany and will assist the employee find a suitable accommodation. The selected nurse will bear the expenses in full or in part of the board and lodging,” anang POEA.Ang mga kuwalipikado at interesadong aplikante ay maaaring magpa-rehistro online sa www.eservices.poea.gov.ph at personal na isumite ang mga kinakailangang dokumento nila, na nakalagay sa isang folder na may heading “German Federal Employment Agency RSF No. 180028,”  sa Manpower Registry Division,  na matatagpuan sa Ground Floor, Blas F. Ople Bldg. (dating POEA Bldg.), sa Ortigas Avenue kanto ng EDSA, sa Mandaluyong City.

Kabilang sa mga dokumentong kinakailangan ay ang cover letter at curriculum vitae na may colored passport size picture; High School Diploma (notarized copy); Nursing Diploma (notarized copy); Board Certificate at kopya ng lisensiya mula sa Professional Regulation Commission (PRC); Certificates of employment  sa related field (previous at current) (notarized copy); Attendance and/or level certificate para sa German language, kung mayroon; kopya ng valid Passport; at Certificate ng POEA online Pre-employment Orientation Seminar (PEOS) (peos.poea.gov.ph).

Ang mga aplikante ay kinakailangan ring magprisinta ng mga orihinal na dokumento para sa authentication ng written information bago ipadala ito sa employer.

Ang deadline para sa pagsusumite ng aplikasyon ay sa Pebrero 28, 2019 habang interview naman ng employers sa mga aplikante ay isasagawa sa katapusan ng Marso 2019.

 

 

5

Related posts

Leave a Comment