JONES BRIDGE LIGTAS

jone200

(NI MITZI YU)

TINIYAK ng Department of Public Works and Highways (DPWH)  na ligtas daanan ng milyun-milyong deboto ng Black Nazarene ang Jones  Bridge.

Ayon kay DPWH-NCR Engr.Rey Rosario sa katatapos lamang na final media briefing sa Quiapo Church, kinukumpuni na lahat ng mga sirang manhole, kalsadang dadaanan ng andas.

Nagsagawa na rin aniya ng local at  national road clearing  katuwang ang mga tauhan ng  Manila Department of Public Services at nang  Metro Manila  Development Authority (MMDA) .

Maging ang Mc Arthur Bridge, ayon kay Engr. Rosario, ay patuloy pa ring kinukumpuni at inaaasahang pagkatapos ng dalawang taon ay maari na muling maibalik sa dating daan ang prusisyon o Traslacion ng Itim na Nazareno.

Samantala, nagpahayag na rin ng kahandaan ang iba pang ahensya na tutulong na maging payapa at maayos ang Kapistahan ng Quiapo.

Ang Burea of Fire Protection-NCR ay may 25 fire trucks na ipapakalat sa ibat ibang  lugar sa Quiapo at Quirino Grandstand .

Sinabi naman ni Dr.Patrick Co ng DoH -NCR na mayroong 14 health emergency responce team  sa mga ruta ng prusisyon gayundin mayroon ding naka standby na medical teams  sa ibat-ibang ospital.

Ayon naman kay PCG  Capt.Rolando Punzalan, nakalikom ang coast guard ng  30 floatingam assets para sa gagawing layering ng ilalatag na seguridad sa Manila Bay at ibat-ibang tulay   sa dadaanan ng prusisyon .

Dagdag pa ni Punzalan na may medical team din ang coast guard sa mga floatinga ssets upang maging handa sa pagbibigay ng medical assistance sa mga panahon ng di inaasahang insidente sa baybayin o sa Ilog Pasig  sa bahagi ng Jones  Bridge.

Magtatalaga din ng special operations divers  at anti-terrorist team habang mahigpit na ipapatupad ang no sail zone.

350

Related posts

Leave a Comment