WALANG PASOK SA MAYNILA SA JAN 9

quiapo

SUSPENDIDO ang pasok sa eskuwelahan at city government sa Maynila dahil sa inaasahang pagbuhos ng mga deboto para sa traslacion 2019, sinuspinde na ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pasok sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa Enero 9.

Sa press conference sa Quiapo Church, inanunsyo ni Manila City Administrator Erikson Alcovendaz na pinirmahan na ni Mayor Erap Estrada ang Executice Order 1 series of 2019 na nagdedeklara ng suspensiyon ng klase sa Enero 9.

Sinabi ni Alcovendaz na suspendido rin ang pasok sa trabaho sa city hall maliban sa mga tanggapan na kailangang magbigay ng serbisyo sa publiko gaya ng rescue teams, medical teams at iba pang frontliners na kailangan sa traslacion.

Ipinauubaya naman ng city hall sa mga pribadong kumpanya at iba pang government agency na nasa Maynila kung magsususpindi rin ng pasok sa Enero 9.

Ang taunang traslacion na tumagatal hanggang 19 hanggang 20 oras ay ang re-enactment ng paglipat ng Itim na Nazareno mula Intramuros hanggang Quiapo Church noong 1787.

9

Related posts

Leave a Comment