PINOY SA TRIPOLI PINAUUWI NA SA PINAS

tripolo12

HINIMOK ng Embahada ng Pilipinas ang mga Pinoy na nakatira at nagtatrabaho sa loob ng 100-kilometer radius ng Tripoli na umuwi na ng Pilipinas sa harap ng tumataas na tensiyon malapit sa sentro ng Libya.

Sa statement na inisyu nitong Lunes, sinabi ni Chargé d’Affaires Elmer Cato na hinihimok niya ang mga kababayan doon na pag-aralan ang pag-uwi na lamang dahil sa umiinit na labanan malapit sa kapital ng Libya.

Tiniyak naman ni Cato na tutulungan nila ang mga Pinoy na gusto nang umuwi ng bansa.

Gayunman, ang mga magpapaiwan sa Libya ay pinaaalalahanan na maging mapagmatyag at mag-dobleng ingat.

“Kailangang alam nila ang mga lugar ng kaguluhan at lumikas sa mas ligtas na lugar. Ang mga nangangailangan ng emergency shelter ay maaaring  tumawag sa Embahada para matulungan.

Ang mga Pinoy sa Tripoli ay dapat din umanong mag-ingat sa pagkilos at hindi na kailangang lumabas pa ng kanilang mga bahay hanggang maging normal ang sitwasyon. Mas mabuti rin umanong mag-imbak ng pagkain at tubig at iba pang pangunahing pangangailangan at sundin ang iniuutos ng kanilang employers.

 

 

97

Related posts

Leave a Comment