‘PINOY WORKERS, ‘DI CHINESE PRAYORIDAD SA BBB PROJECTS

tony lambino12

(NI BETH JULIAN)

PINABULAANAN ng pamahalaan ang haka-haka na mas makikinabang pa ang mga Chinese national sa mga trabaho na nabuksan sa ilalim ng Build Build Build Program ng Duterte administration.

Sinabi ni Finance Undersecretary Tony Lambino, sa kasalukuyan, nasa 178 lamang ang mga Chinese national na maituturing na highly technical na nagtatrabaho sa mga infrastructure projects ng gobyerno.

Inihalimbawa ni Lambino ang Chico River Pump Irrigation Project na nasa 85 ang highly technical Chinese workers at ang 88 naman ay nasa Estrella-Pantaleon at Binondo-Intramuros Bridge na kapwa pinopondohan ng China.

Giit ni Lambino, base sa labor code of the Philippines, limitado lamang sa highly technical position ang maaaring ibigay sa mga dayuhang manggagawa.

Sinabi ni Lambino na nakikipagtulungan ang gobyerno sa mga local government units sa mga kontratista para tiyakin na nasusunod ang batas na ito.

Tiniyak din ni Lambino na mga Pinoy na manggagawa pa rin ang kukunin para magtrabaho sa pagpapatayo ng Kaliwa Dam.

237

Related posts

Leave a Comment