PLUNDER , GRAFT CASE SA MGA SANGKOT SA P3-B ROW SCAM

SANDIGANBAYAN-2

(NI BERNARD TAGUINOD)

MATAPOS ang isang taong imbestigasyon sa Right of Way (ROW) scam sa Region XII partikular na sa General Santos City, inirekomenda na ng House committee on good government ang pagsasampa ng kasong plunder sa mga sangkot sa nasabing  anomalya.

Bukod sa plunder case dahil P3 billion ang sangkot na halaga ay nakitaan din ng nasabin komite na pinamumunuan ni Camiguin Rep. Xavier Jesus Romualdo ng paglabag sa anti-graft and practices act ang opisyales ng Department of Public Works and Highways (DPWH) officials sa nasabing rehiyon at ilang sibilyan.

Base sa committee report 1240 na inilabas ng nasabing komite, kabilang sa mga inerekomendang kasuhan ay sina dating DPWH Regional Directors Subair S. Diron at Reynaldo S. Tamayo,; dating assitant regional director Launreano Suan Jr., at lahat ng miyembro ng Regional IROW committee and technical working group.

Kasama rin sa pinagkakasuhan ay  ang  umano’y sindikato sa ROW scam na pinangunahan umano nina  Wilma Mamburam, Nelson Ti.

Natuklasan sa imbestigasyon ng nasabing komite na inaprubahan umano nina Diron at Tamayo ang may 127 ROW claim na kinakatawan ni Mamburam at Ti na nagkakahalaga ng P3.3 Billion at kahit at may red flag na ang Commission on Audit (COA) ay inilabas pa rin umano ang 4th at 5th tranche na kabayaran sa ROW claims.

“Further, as pointed out by witness Mr. Roberto Catapang Jr., Regional Director Reynaldo S. Tamayo among other public officials, recieved 20% commission from Nelson Ti and Wilma Mamburan, from the proceeds of the payments of the claims,” ayon pa sa committee report.

Inirekomenda rin ng komite na isailalim sa life style check ang mga lahat ng mga public officials kasama na ang kanilang pamilya na sangkot sa nasabing anomalya at imbestigahan ito ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa posibleng pagsasampa ng tax evasion case.

86

Related posts

Leave a Comment