PNP: ANTI CRIME CAMPAIGN ‘DI APEKTADO SA LOTTO CRACKDOWN

albayalde

(NI AMIHAN SABILLO)

WALANG magbabago sa pagpapatakbo ng Philippine National Police (PNP) sa Anti-Crime campaign ng kanilang pagpapatupad ng kautusan ng Pangulo na ipasara ang lahat ng gambling operations ng PCSO.

Pagtitiyak ito ni PNP Chief Police general Oscar Albayalde makaraang batikusin ni Senador Nancy Binay ang PNP at sinabing sa halip na pag-aksayahan ng panahon ang pagpapasara ng mga lotto outlets, mas mabuting asikasuhin nalang nila ang pagresolba ng mga patayan sa Negros Oriental.

Iginiit ng hepe ng pulisya na hindi nauubos ang oras ng PNP o iginugugol lamang sa pagpapasara ng mga lotto outlets dahil natapos na agad ito isang araw lang matapos na ipag-utos ng Pangulo.

Wala din naman umanong in-assign o naka-assign ng mga PNP para bantayan 24-oras ang mga lotto outlet para masiguro na hindi ito magbubukas, bagkus ay minomonitor lang nila ang mga ito.

Pagtitiyak ni Albayalde na hindi pinababayaan ng PNP sa anti-criminality campaign, dahil may mga tao silang nakatutok sa iba’t ibang trabaho ng PNP kabilang na street crimes at ang kampanya kontra droga.

 

131

Related posts

Leave a Comment