PNP TUTULONG SA GIYERA VS DENGUE

denguepnp44

(NI JG TUMBADO)

TUTULONG na rin ang Philippine National Police (PNP) sa kampanya upang makontrol ang paglaganap ng dengue kasunod ng pagdedeklara ng national dengue epidemic.

Ayon kay Police Brigadier General Bernard Banac, tagapagsalita ng PNP, nagpalabas na ng direktiba si PNP Chief General Oscar Albayalde para paghandaan ang paglaban sa sakit.

“Inatasan din ang buong PNP health service to fully cooperate with local hospitals sa mga regions para maitaas ang public awareness laban sa sakit na dengue,” ayon pa kay Banac.

Sinabi ni Banac na pinakilos na ang kanilang police regional offices upang alamin at i-monitor ang kalusugan ng lahat ng mga pulis at kanilang pamilya.

“Ganon din ang lahat ng mga police regional offices nationwide ay inaatasan din na tingnan ang lahat ng kalusugan ng ating mga PNP personnel maging ang kanilang pamilya upang di magkasakit at di maapektuhan ang kanilang trabaho,” dagdag ni Banac.

Nabatid kay Banac na kaisa ang PNP sa Sabayang 4 o’clock habit para Deng-Get Out ng Department of Health na layong tutukan ang paghahanap at sirain ang mga lugar na nagsisilbing pangitlugan ng mga lamok.

Nauna nang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na umabot na sa 622 tao ang namatay mula sa 146,062 na tinamaan ng dengue sa bansa.

 

124

Related posts

Leave a Comment