POGO ‘DI KAYANG BURAHIN NG EO 74 NI MARCOS JR.

(BERNARD TAGUINOD)

HINDI tuluyang mawawala ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa pamamagitan ng Executive Order (EO) 74 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., hangga’t walang batas na tuluyang magbabawal dito.

Bagama’t ikinatuwa ni CIBAC party-list Rep. Eddie Villanueva ang inilabas ni EO ni Marcos, iginiit nito na kailangang bigyang prayoridad ang pagpapatibay sa Anti-POGO Act kung nais ng Pangulo na tuluyang mawala ang nasabing sugal sa bansa na pinatatakbo ng mga Chinese nationals.

“..the fight against gambling and its ill effects is not yet over. Arm, and will invite divine wrath and curses to our nation. Hence, we call on our fellow lawmakers to swiftly pass the Anti-POGO Act which will guard the welfare and interest of the Filipino people by precluding the comeback of POGOs even in the next generations to come,” ani Villanueva.

Ang Kongreso ay may isang buwan na lamang bago ang kanilang Christmas break sa ikalawang linggo ng December subalit hanggang sa kasalukuyan ay pending pa rin sa House committee on games and amusement ang limang panukalang batas para rito.

Base sa EO 74, hanggang December 31, 2024 na lamang ang POGO at pagdating ng nasabing panahon ay kailangang sarado na lahat ito pero nangangamba si Villanueva na hindi rin ito tuluyang mawawala kung walang maipapasang batas.

Samantala, sinabi naman ni dating Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate na hindi lamang ang pagsasara ang dapat gawin sa POGO kundi dapat imbestigahan ng gobyerno kung sino-sino ang mga nakinabang dito.

Naniniwala ang dating mambabatas na maraming dati at kasalukuyang government officials ang nagkamal ng salapi sa POGO kaya pinayagan nila ito kung saan ginamit na palusot lamang ang umano’y makokolektang buwis sa mga ito na makakatulong sa ekonomiya ng bansa.

“The investigation should not stop with the ban. We must hold accountable those who allowed these criminal operations to flourish at the expense of our people and national sovereignty,” ani Zarate.

Hangga’t hindi aniya ito ginagawa ng Marcos administrasyon, pagtatawanan lamang umano siya ng mga nakinabang sa POGO at posibleng bumalik ang mga ito kapag nagkaroon muli sila ng kaalyado sa gobyerno.

84

Related posts

Leave a Comment