POGO POSIBLENG GAMITING ESPIYA – DND

lorenzana12

(NI JG TUMBADO)

PINANGANGAMBAHANG maging instrumento ng pang-i-espiya ang pagsulputan ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) malapit sa mga kampo ng militar.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, madali lang para sa mga empleyado ng POGO na mabago ang kanilang gaming operations sa pang-i-espiya o masangkot sa espionage.

Pawang mga Chinese ang mga tauhan ng POGO sa bansa na sa huling tala ng Department of Finance (DOF) ay nasa tinatayang 138,000 na ang mga rehistradong manggagawa.

“That is very concerning kasi until such time na nakita ko ‘yung mga mapa, malalapit na rito… especially example [Camp] Aguinaldo, meron diyan sa Araneta Center, sa Eastwood,” ayon kay Lorenzana.

“Ako personally I think there should be no need to worry but kung makikita mo na ‘yung maraming tao na nandiyan, it’s very easy for these people to shift their activities to spying,” dagdag pa ng kalihim.

Iginiit ni Lorenzana na mas makabubuti kung maipuwesto ang mga POGO na malayo sa military installations o sa mga lugar na madaling mamo-monitor ng mga ahensya ng gobyerno.

“I support the idea na to put them in a hub na malayo sa mga kampo… doon lang sila para ma-control sila ng authorities saka ng Finance naman saka ng Immigration,” ayon pa kay Lorenzana.

Gayunman, hindi iniaalis ni Lorenzana ang katotohanan na nakakatulong ang operasyon ng mga POGO sa ekonomiya ng bansa.
“We are making a lot of money out of these POGO workers… to now question bakit sila nandito is parang hindi ba magkatugma,” ayon pa kay Lorenzana.

Naniniwala naman si  Armed Forces of the Philippines chief of staff General Benjamin Madrigal na mahalagang mabalanse ang pag-unlad at seguridad patungkol sa POGO operations sa bansa.

“At the end of the day, sabi nga maliban sa ating mga maaaring sources of income, dapat kasama rito ‘yung pangangalaga… ‘yung alam naman siguro natin na ‘yung all other security considerations in undertaking these activities naisasama natin,” dagdag pa ng AFP Chief.

Sinabi ni Madrigal na inaalam na nila ang posibilidad na nagsasagawa na rin ng spying activities ang POGO operators.
“Of course lahat ng ito tinitingnan natin ano… ang sabi nga without being paranoid, of course we can always… meron tayong hi-low na sinasabi na ganyan yung possibilities,” diin pa ni Madrigal.

108

Related posts

Leave a Comment