POLITICAL WILL NI DUTERTE KAILANGAN NA SA PHILHEALTH

duterte philhealth21

(NI BERNARD TAGUINOD)

TANGING ang political will ni Pangulong Rodrigo Duterte para linisin ang Philhealth nang tuluyan dahil malala na umano ang virus ng katiwalian sa nasabing state insurance fund.

Ito ang pahayag ni dating Health Secretary at Iloilo Congresswoman-elect  Janette Garin kaugnay ng panibagong anomalya sa Philhealth at pinangangambahang hindi maparurusahan ang mga nasa likod nito dahil protektado ng mga opisyales ang kanilang mga sarili kapag may katiwalian.

“Fraud is a virus with no treatment. No vaccine. We can’t eradicate its habitat but we need to break the cycle. This ‘fraud virus’ mutates every time a new president, board and SOH assumes office. It is highly contagious. President Duterte’s political will is the antidote to break this cycle. He is the key to real and permanent reforms in Philheath,” ani Garin.

Ayon sa mambabatas, noong maging Secretary ito ng DoH noong 2014, tinangka nitong baguhin ang sistema sa Philhealth upang maproteksyunan ang pera ng mga miyembro subalit hindi ito ipinatupad.

Kabilang sa mga drastic changes aniya ay magkaroon ng single docketing system sa lahat ng kaso; ibalik ang Arbitration to the jurisdiction sa  Chief Operating Officer mula sa Legal Department; decentralization ng Fact Finding Investigation and Enforcement Department; magkaroon ng in ventory ng actual cash; magtakda ng malinaw na kaparusahan sa mga masasangkot sa katliwan at bilisan ang paghahain ng mga kaso na 5 taon nang nakatengga sa kanilang tanggapan.

153

Related posts

Leave a Comment