POLITIKONG EPAL SA DENGVAXIA SINUPALPAL  

pia44

(NI NOEL ABUEL)

“LET’s listen to the experts.”

Ito ang panawagan ni Senador Pia S. Cayetano sa ilang kapwa nito pulitiko sa panukalang muling paggamit sa dengvaxia vaccine kasunod ng deklasyon ng Department of Health (DoH) na dengue epidemic sa buong bansa.

Sinabi pa ng mambabatas na sang-ayon ito sa posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa magiging payo ng mga local health experts bago ikonsidera ang posibleng paggamit sa nasabing bakuna.

“This is a technical and scientific matter that should be left to the health experts. The President already said he’s listening to them, so let’s give this time. Sana po huwag muna tayong mag-comment… Kasi litung-lito na ang mga tao,” apela ni Cayetano.

Sa halip aniyang makialam ang sinumang politiko o ng sinumang government officials sa isyu ng pagbuhay muli na paggamit ng dengvaxia ay dapat na sumentro na lamang ang pag-iisip ng mga ito ang paggawa at pagtalakay sa polisiyang magdudulot ng ginhawa sa taumbayan tulad ng maayos na health services.

“Sana po ang mga politicians, we just discuss policies. Our policy is we want to ensure the safety of the Filipino people. We want to ensure that they have access to appropriate healthcare services. The poor should also have access to whatever is available to the rich,” giit nito.

145

Related posts

Leave a Comment