PONDO NG UP APRUB KAY DELA ROSA 

(NI NOEL ABUEL)

TINIYAK ni Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na suportado nito ang pagbibigay ng kaukulang pondo ng University of the Philippines (UP) sa kabila ng ulat na may nangyayaring recruitment ng ilang militanteng grupo.

Ito ang pagtitiyak ng senador sa mga opisyales ng UP at sa ‘Iskolar ng Bayan’ sa gitna ng budget deliberation ng  Commission on Higher Education (CHED) bagama’t patuloy ang paniniwala nitong tuloy pa rin ang pag-recruit sa mga estudyante nito.

Paliwanag ni Dela Rosa, wala itong galit sa state university at sa mga mag-aaral nito at tanging sa mga miyembro lamang ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang kinakastigo nito.

“Klaruhin ko lang I am not against sa inyo at sa eskwelahan, I am against sa mga estudyante na naging NPA, kayo naman din siguro ayaw ninyo maging NPA mga estudyante n’yo di ba?” tanong ni Dela Rosa kay UP president Atty Danilo Concepcion.

“Rest assured, Atty. Danilo Concepcion, that I am not going to use my anti-communism advocacy to hinder the passage of your budget. I will never exercise my power of the purse, I am just going to use my power of the conscience… kokonsensyahin ko kayo ngayon lalo na sa nation-building. Sana tayong lahat magkakaisa for nation-building, at sana hindi magagamit itong mga eskwelahan natin for nation destruction particularly by the CPP-NPA na nagpe-penetrate sa ating mga eskwelahan,” paliwanag pa nito.

Hinamon din ni Dela Rosa ang UP officials na tiyakin na nababantayan ang kaligtasan ng mga estudyante nito at maging gabay para maging bahagei ng pag-abot sa national development.

“You are the administrator, pag administration ka dapat bantayan mo rin na ‘yung mga estudyante mo di mapariwara at ‘di mapunta sa bundok. Moral na responsibilidad mo ‘yan being the second parent of these children,” sabi ni Dela Rosa kay Concepcion.

 

141

Related posts

Leave a Comment