PONDO SA P30-K SAHOD NG NURSE IKINAKASA NA

pinay nurse12

(NI BERNARD TAGUINOD)

IKINAKASA na ang resolusyon para maibigay na ang P30,531 na sahod ng mga nurse na nagtatrabaho sa mga government hospitals at iba pang health facilities ng gobyerno.

Ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, ang joint resolution ng Senado at Kamara ang tanging paraan para magkaroon na  ng pondo at maibigay na ang nararapat na kaso ng mga nurse.

“The House and the Senate have the option to pass a joint resolution putting into effect the higher starting pay of P30,531 for nurses employed by the national government,” Defensor, vice-chairman of the House committee on health.

Magugunita na pinaboran ng Korte Suprema ang kaso ng mga government Nurse na kailangang sumahod ang mga ito ng salary grade (SG) 15 na nakasaad sa Republic Act  (RA) 9173  Philippine Nursing Act of 2002.

Gayunpaman, walang pondong nakalaan dito at maging sa 2020 national budget ay hindi ito kasama sa pinondohan kaya nais ni Defensor na magkaroon magpasa ng joint resolution ang dalawang Kapulungan para magkaroon na ng pondo para dito.

“Congress did this in 2017, when it passed a joint resolution authorizing the increase in the base pay of military and uniformed personnel, and sourcing the cash from the MPBF (Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MPBF),” ani Defensor.

Sinabi ng mambabatas na kailangang sumunod ang gobyerno sa batas na ibigay ang nararapat na sahod sa mga government nurse na isa sa mga may maliit na sahod sa burukrasya.

Sa ngayon, umaabot lamang sa P20,000  o SG 11 ang sahod ng isang government nurse sa bansa na hindi umano sapat sa kanilang pangangailangan at serbisyong ibinibigay sa mamamayan.

“Our sense is, Congress is ready to implement the improved compensation for nurses, as provided for by law and upheld by the Supreme Court. It is just a question of how best to do it,” dagdag pa nito.

 

176

Related posts

Leave a Comment