PORK PRODUCTS NG VIETNAM BANNED SA PINAS

swine18

BANNED na rin sa Pilipinas ang mga karneng baboy mula Vietnam dahil sa posibleng African Swine Fever (ASF) virus.

Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na nag positibo ang karneng mula sa Vietnam sa swine fever virus kung kaya’t dobleng ingat na ngayon sa bansa para mapigilan ang pagpasok dito.

Ngayong pending pa ang official memorandum order para sa embargo sa karneng baboy mula sa VIetnam, inatasan na ni Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol ang Bureau of Animal Industry (BAI) na ipatupad ang importation ban simula noong Pebrero 17.

Ayon sa kalihim, ngayong araw pa niya lalagdaan ang memorandum order na magbabawal sa pagpasok ng pork products mula Vietnam.

Iginiit ni Piñol na ang Pilipinas ay isa sa mangilan-ngilang bansa sa mundo na hindi pa napapasok ng mga livestock diseases, kabilang na ang foot and mouth disease.

89

Related posts

Leave a Comment