POWER RATE HIKE, NAKAAMBA 

meralco121

(NI BERNARD TAGUINOD)

PINANGANGAMBAHAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang dalawang magkasunod na yellow power alert sa Luzon Grid ay masusundan ng power rate increase.

Ito ang dahilan kaya nanawagan si Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate kay Pangulong Rodrigo Duterte na rebyuhin ang lahat ng power supply agreement (PSA) sa mga generation companies.

“Sa nangyayari kasi ngayon ay laging dehado ang mga consumers lalo pa at ilang araw nang naka-yellow alert at pagtaas na naman ng singil sa kuryente ang ibig sabihin nito tulad noong isang buwan,” ani Zarate.

Magugunita na noong summer ay nanganib ang supply ng kuryente dahil nasira umano ang mga planta subalit  ayon sa mambabatas, mula 2012 ay ganito na ang nangyayari.

“Pres. Duterte should immediately order the review of the PSAs of these generation companies as well as those in the works, like the seven (7) midnight deal PSAs of Meralco-related companies, chief among which is the Atimonan One power plant,”ayon pa sa mambabatas.

“An additional P1.80 per kilowatt-hour will burden power consumers once Meralco passes on the escalating construction cost of its subsidiary, Atimonan One Energy Inc. (Atimonan One),” babala pa ni Zarate.

Ito ay dahil sa mga ulat na madagdagan ng P15 Billion ang interes sa loan ng Atimonan One bukod sa pagtaas ng presyo ng mga kagamitan na iniaangkat pa sa ibang bansa at P1.80 na dagdag sa capacity cost at aabot naman aniya sa P7.46/kwh ang bentahan ng kuryente sa planta.

 

277

Related posts

Leave a Comment