PRESYO NG BILIHIN PINABABANTAYAN SA DTI, DA

(NI NOEL ABUEL)

IPINATITIYAK ni Senado Sherwin Gatchalian sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Agriculture (DA) na bantayang mabuti ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado ngayong buwan.

Sinabi ni Gatchalian na dapat tiyakin ng mga ahensya ng pamahalaan na nababantayan ng mga ito ang presyo ng mga pangunahing bilihin para maiwasan ang mga mananamantala at para mas maging masaya ang Kapaskuhan ng mga mamimili.

Dagdag pa ng senador na maliban pa sa panahon ng Kapaskuhan ay may dalang epekto rin sa presyo ng pangunahing bilihin ang nagdaang bagyong Tisoy.

“Following a higher inflation rate in November, we expect inflation to pick up further in December as we head closer to Christmas. December is usually a consumption-driven month as Filipinos tend to shop for more goods in time for the holiday festivities. We also have to take into consideration the possible supply deficiency in the offing after Typhoon Tisoy destroyed agricultural crops. Prices of fish have also gone up,” paliwanag pa ni Gatchalian.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority, ang presyo ng pangunahing bilihin at tumaas ng 1.3 porsiyento noong nakaraang buwan ng Nobyembre.

 

250

Related posts

Leave a Comment