PRESYO NG SIBUYAS SA PINAS ‘PANG-GUINNESS’

(BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE)

MAAARI nang mailagay sa Guinness World Records ang Pilipinas bilang bansa na may pinakamahal na sibuyas sa buong mundo bukod sa asukal.

Sa isang TV interview kay Albay Rep. Joey Salceda, inamin nito na ang presyo ng sibuyas sa bansa ngayon ang pinakamahal sa buong mundo matapos itong umabot sa P720 kada kilo noong Disyembre.

“We now have the world’s most expensive domestic onion prices. We have some of the world’s most expensive domestic sugar prices,” ani Salceda, chairman ng House committee on ways and means.

Dahil dito, kailangan aniyang buwagin na ang kartel sa iba’t ibang uri ng agricultural product sa bansa upang masiguro na maibaba ang presyo na labis na nakaaapekto sa consumers.

Sa ngayon ay naglalaro pa sa P600 ang kada kilo ng sibuyas sa mga palengke kahit itinakda ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price sa halagang P250.

“I think it’s time to break the smuggling cartels among onion, meat, fish and other key agricultural commodities, make the food trade regime more transparent and open to all. That should help lower food prices – since part of the artificially high prices in these products is that some smugglers are also oligopolies in the domestic market,” ayon pa sa mambabatas.

Sinabi naman ni Anakalusugan party-list Rep. Ray Reyes na kailangang seryosohin ng mga otoridad ang pagbuwag sa mga smuggler at tiyaking maparurusahan ang mga ito.

Isinisi ni Reyes sa mga smuggler ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kasama na ang sibuyas na hindi aniya masawata ng Bureau of Customs (BOC) at DA na pumapatay sa mga lokal na magsasaka.

“It is time for the Bureau of Customs to take responsibility for this crisis and take immediate action and hail smugglers to court, support local farmers, and ensure food and health security for the nation. Anything less is a betrayal of public trust and a shameless upfront to the administration’s oft-vaunted goals,” ani Reyes.

Iginiit naman ni Agri party-list Rep. Wilbert Lee na panahon na para sumali ang Kongreso sa kampanya laban sa agricultural smuggling sa bansa upang maproteksyunan ang consumers at mga lokal na magsasaka.

“It’s high time that Congress, through its powers of legislation and oversight, gets involved in the fight before things get totally out of control. Kumilos na tayo para sa ating mga kababayan na nagdurusa dahil sa pambibiktima ng mga agricultural smugglers,” ani Lee.

Panibagong SRP

Kaugnay nito, muling magtatakda ang DA ng SRP sa ikalawang linggo ng Enero para sa sibuyas.

Sinabi ni DA Assistant Secretary at Spokesperson Kristine Evangelista, ang P250 kada kilogram na SRP para sa sibuyas ay napaso’ na nitong Sabado, Enero 7, dahilan para ipanawagan na konsultahin ang mga magsasaka, traders at retailers na magtakda ng bagong SRP.

“Dapat kasi bababa base doon sa aming pag-uusap noong Disyembre dahil magkakaroon na ng harvest. Mas marami nga na harvest ang sabi ng ating magsasaka sa second week of January. So inaasahan na bababa ang farmgate price at kapag bumaba ang farmgate price, may epekto po iyan sa retail [price] kung saan babantayan naman po natin,” ani Evangelista sa isang panayam.

Tinukoy ang naging pulong kasama ang mga stakeholder noong nakaraang buwan, sinabi ni Evangelista na ang SRP para sa sibuyas ay dapat pumalo na sa P200 sa ikalawang linggo ng buwang kasalukuyan.

“Pero hindi naganap iyong P250 [SRP] so kailangan natin balikan at kausapin muli ang ating mga onion farmer kung ano talaga ang dahilan, then we can come up with interventions na nararapat para bumaba ang presyo,” dagdag na pahayag ni Evangelista.

Sa ulat, base sa price monitoring ng DA, “as of Thursday, Enero 5,” ang lokal na pulang sibuyas ay nagkakahalaga sa pagitan ng P280 at P650 kada kilo habang ang lokal na puting sibuyas ay P400 hanggang P600 kada kilo.

Plano ng DA na mag-angkat ng 22,000 metriko toneladang sibuyas upang wakasan ang patuloy na pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.

Ayon kay DA Deputy spokesperson Rex Estoperez, dapat dumating ang 22,000 MT ng aangkating sibuyas bago ang peak harvest na magsisimula sa Marso.

16

Related posts

Leave a Comment