PRESYO NG SIBUYAS SUMADSAD

SIBUYAS

(Ni FRANCIS SORIANO)

SUMADSAD sa pinakamababang presyo ang sibuyas na ibinibenta mula P12 hanggang P16 kada kilo kaya umaaray na ang mga local producer.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, minamanipula di umano ng ilang traders ang presyo ng sibuyas upang mapilitan ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang ani sa mas murang presyo mabawi lang ang kanilang puhunan.

Batay sa datos ng mga provincial agriculturist, 1,055 ektarya sa 11 lungsod at munisipalidad sa Nueva Ecija ay tinataniman ng sibuyas.

Matatandang na kamakailan lang ay naglabas din ang DA ng memorandum order hinggil sa ban ng onion importation at may kasunduan umano ang onion farmers at traders na wala munang papapasukin na imported na sibuyas kapag nagsimula na ang harvest season.

Samantala, pinaiimbestigahan na ng kagawaran ang nasabing nagmamanipula sa pagbaba ng sibuyas.

138

Related posts

Leave a Comment