(NI DANG SAMSON-GARCIA)
NABABAHALA si Senador Grace Poe sa posibilidad na tumindi pa ang problema sa suplay ng tubig kasunod ng pagrevoke sa extension ng kontrata ng mga water concessionaires na Maynilad at Manila Water Co.
Ayon kay Poe, kung tuluyan nang makakansela ang kontrata ng mga concessionaire, posibleng matigil ang lahat ng mga proyekto nito o isara rin ang kanilang mga pasilidad.
“Ako pinakanababahala ako ngayon ay ang pag-revoke ng extension contract dahil kung ‘yun ang mangyayari, alam mo kahit magpatayo tayo ng Wawa Dam, ‘yung treatment facilities n’yan, at saka ‘yung conveyance, ‘yung pagdi-distribute ng tubig sa mga household, sa mga businesses, kapag hindi itinuloy ang pagpapagawa ng mga ‘yan kahit na may Wawa Dam ka na, kapag itinigil ngayon ‘yung distribution process, mawawalan tayo ng tubig, ngayon na ire-revoke ‘yan,” saad ni Poe.
Dahil dito, ang mahalaga anya ngayon ay linawin kung kailangan ng renegosasyon para sa kontrata o dapat na itong ipa-bid at kung sakali ay dapat alamin kailan ito matatapos.
“Ang sabi kasi ng MWSS ni-revoke na nila, ‘yung extension. So wala na hanggang 2022 na lang. So pagdating ng 2022 kung hindi sila ma-extend beyond 2022, lahat ng project nila in the pipeline matitigil. So dapat malaman natin for sure kelan matatapos ang either renegotiation which I don’t think it is because they say it’s been revoked,” dagdag ni Poe.
Sa hearing ng Senate Committee on Public Services, lumitaw na ngayon (December 11) lamang din natanggap ng dalawang kumpamya ang notice of revocation.
“And by the way, ngayong araw lang natanggap ng dalawang concessionaire ang notice. So they are not necessary agreed yet with the revocation order. They would like to have the time to be able to present also their side,” kumpirmasyon ni Poe.
Kinumpirma naman sa pagdinig ni MWSS Administrator Emmanuel Salamat na nagsasagawa na rin sila ng muling negosasyon upang hindi maputol ang serbisyo ng tubig.
“With that Ma’am, consistent to the instruction of the President, that will pave the way for renegotiation with the concessionaires,” saad ni Salamat.
Ang kontrata ng dalawang kumpanya ay dapat na hanggang 2022 lamang subalit inextend ito hanggang 2037 ng Arroyo Administration.
281