NATIONAL BUDGET RATIPIKADO NA

(NI BERNARD TAGUINOD)

NIRATIPIKAHAN na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang bicameral conference committee report sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion at nakatakda umano umano itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na 10 araw.

Sa pamamagitan ng  viva voce voting , idineklarang panalo ang ayes (yes) kontra nyes (no) at ihinahahanda na kopya ng 2020 General Appropriations Bill (GAB) upang maipadala na sa Office of the President para mapirmahan na ng Pangulo.

Unang inaprubahan at pinirmahan ng mga contingent ng Kamara at Senado  sa Bicameral conference ang 2020 GAB nitong Miyerkules ng umaga at agad itong isinalang sa ratipikasyon sa plenaryo ng Kamara pagdating ng hapon.

“Very smooth,” ang paglalarawan ni House majority leader Ferdinand Martin Romualdez sa Bicameral conference meeting na hindi dinaluhan nina Senate minority leader Franklin Drilon at Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

“We passed a budget with no pork, no parked funds, and no delays with full tranparency. While there is no perfect budget, both the Senate and the House of Representatives have identified areas where funds have been underutilized for various reasons,” ani House Speaker Alan Peter Cayetano.

Ito ay sa kabila ng alegasyon ni Lacson na nagkaroon ng last minute insertions ang mga kongresista sa 2020 national budget na umaabot sa P83.2 Billion.

Sinabi ni Cayetano na nakatutok sa sektor ng kalusugan, agrikultura at build-build-build program ang  2020 national budget na magpapaangat umano sa kalidad ng pamumuhay ng mga Filipino.

“2020 is a very symbolic year as it represents a perfect vision – a vision we share with President Duterte to provide a safe and comfortable life for all Filipinos. Now more than ever is the best time to push for reforms to see this goal through,” ayon pa kay Cayetano.

Sinabi ni Romualdez na inaasahang pipirmahan ni Duterte ang national budget sa susunod na 10 araw.

186

Related posts

Leave a Comment