‘Propaganda’ sa covid response sinopla ni Roque LENI ‘BULAG AT BINGI’

(CHRISTIAN DALE)

BINUWELTAHAN ng Malakanyang si Vice President Leni Robredo na ‘bulag at bingi’ matapos nitong hikayatin ang pamahalaan na itigil na ang “propaganda” at sa halip ay ituon ang panahon at pansin sa pagtugon sa hamon na dala ng COVID-19 pandemic.

Todo-depensa si Presidential spokesperson Harry Roque sa pagtugon ng gobyerno sa hamon ng pandemiya sa bansa.

Sa katunayan, ginamit ni Sec. Roque ang data mula sa World Health Organization (WHO) para gamiting panabla sa pahayag ni Robredo.

Ani Sec. Roque, ang Pilipinas ay ranked 32nd worldwide pagdating sa “caseload and logged 4,777.43 cases per million population (134th in the world).”

“Baka magalit ang World Health Organization dahil sinasabi n’yo nagpapakalat ng propaganda. Hindi po. World Health Organization po nagsabi kung nasaan na tayo sa ating covid response,” ayon kay Sec. Roque.

“Bakit namin paniniwalaan ang ibang pag-aaral samantalang lahat tayo nagtitiwala sa World Health Organization sa panahon ng pandemya. Hindi po propaganda ‘yan. Katotohanan. Buksan ang mata, buksan ang tenga,” dagdag na pahayag nito.

Para kay Sec. Roque, unfair para sa health workers na nakikipaglaban sa pandemiya ang naging pahayag ni Robredo.

“It is unfair to refer to their work output as propaganda. Huwag naman po,” ani Sec. Roque.

Sa ulat, nanawagan si Robredo sa pamahalaan na pagbutihin ang pandemic response kaysa ang “propaganda” matapos na maitala ang -8.3% gross domestic product sa fourth quarter ng 2020.

Nauna nang sinabi ni acting NEDA Sec. Karl Kendrick Chua na nagambala ang growth momentum at development trajectory ng bansa bunsod ng pandemya.

Ang naitalang contraction sa GDP ng Pilipinas ay dahil sa pagbaba ng performance ng construction sector (-25.3%), other services (-45.2%), at accomodation at food service activities (-42/7%).

Ang figures na ito ang siyang dahilan kung bakit ang GDP sa buong 2020 ay -9.5%.

44

Related posts

Leave a Comment