PAGHAHATI SA 2ND DISTRICT NG RIZAL, LUSOT NA SA SENADO

LUSOT na sa Senado ang panukala upang gawing tatlong legislative districts ang ikalawang distrito ng lalawigan ng Rizal.

Sa botong 23-0, inaprubahan ng mga senador ang House Bill 6222 na nagdedeklarang bahagi ng second district ng Rizal ang mga munisipalidad ng Cardona, Baras, Tanay, Morong, Jalajala, Pililla, at Teresa, habang ang San Mateo ay magiging ikatlong distrito at ikaapat naman ang munisipyo ng Rodriguez.

Sinabi ni Senador Francis Tolentino, chairman ng Senate Committee on Local Government na siyang nag-sponsor sa panukala na magiging malaking tulong sa local government units ang panukala upang agad matugunan ang pangangailangan ng mamamayan.

“The call for apportionment is not only based on today’s realities but also a resounding echo from the past, recognizing the unique histories of the towns which have molded and shaped the growth and character of the localities and the residents therein,” diin ni Tolentino.

Sa datos ang bagong 2nd district ng Rizal ay may kabuuang populasyon na 449,103; habang ang San Mateo (3rd district) ay may 252,527; at ang Rodriguez (4th district) ay 369,222.

Una na ring inaprubahan sa Kamara ang panukala noong June 1, 2020. (DANG SAMSON-GARCIA)

51

Related posts

Leave a Comment