MARTIAL LAW NGIPIN KONTRA TERORISMO

ml20

(NI JESSE KABEL)

ITO ang dahilan kaya ikinatuwa ng Defense Department at ng liderato ng Armed Forces of the Philippine ang pasya ng Supreme Court na muling palawigin ang pinaiiral na Batas Militar sa Mindnao.

Ayon kay DND spokesperson Arsenio Andolong, malaking bagay para sa security agencies ng pamahalaan ang pagpapatibay ng Korte Suprema sa constitutionality ng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Dahil sa Supreme Court ruling ay makaaasa ang publiko na lalong paiigtingin ng militar ang seguridad sa rehiyon.

Gayundin ang pagbabantay sa mga komunidad sa Mindanao laban sa banta ng terorismo, karahasan at rebelyon.

Sinabi pa ng tagapagsalita na dahil din dito ay maayos na ipatutupad ng gobyerno ang Bangsamo Organic Law (BOL) laban sa mga peace spoilers o nais manabotahe sa pagtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanaao.

Sa ikatlong pagkakataon ay inaprubahan ng Kongreso ang martial law extension sa Mindanao mula nang atakihin ng Maute Group ang Marawi City noong May 2017.

“The Armed Forces of the Philippines (AFP) as an institution constitutionally mandated to protect the people and secure the state is elated that the Supreme Court, with the Associate Justices voting 9-4, upheld the constitutionality of the President’s extension of Martial Law (ML) in Mindanao until 31 December 2019,” pahayag naman ng taga pagsalita ng Hukbong Sandatahan.

Una rito sa ginanap na  Congress hearing noong nakaraang Disyembre ay pinaboran ang pagpapalawig ng martial law sa botong   235-28-1 granting the extension of ML in Mindanao.

Tutugisisn at papanagutin sa batas ang mga local at  international terrorists groups kabilang na ang kanilang mga tagasuporta na magtatangkang wasakin ang bansa.

115

Related posts

Leave a Comment