(NI BETH JULIAN)
SA kabila ng mg kontrobersya, nananatili bilang pinaka-pinagkakatiwalaang opisyal ng gobyerno si Pagulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inilabas na report ng Pulse Asia base sa kanilang survey noong June 24 hanggang June 30 mula sa 1,200 adult respondents.
Isinagawa ang surveys sa kasagsagan ng isyu ng banggaan ng Chinese vessel at bangkang pangisda ng mga Pinoy sa Recto Bank.
Dito ay matindi ang sinapit na batikos ng Pangulo dahil umano sa pagpanig sa mga Chinese.
Sa survey ay nakakuha ang Pangulo ng 85 percent approval at trust rating.
Nakakuha naman si Vice President ng 55 percent approval at 52 percent trust rating habang si Senate President Tito Sotto naman ay nakakuha ng 75 percent approval rating at 73 percent trust rating.
Nakakuha naman ng pinakamamabang approval at trust rating si Speaker Gloria Macapagal Arroyo na may 26 percent lamang na approval rating at 22 percent na trust rating.
Habang si Supreme Court Lucas Bersamin naman ay may 41 percent approval rating at 35 percent trust rating.
Sa 1,300 na respondent, three percent lamang ang disapproval ni Pangulong Duterte habang 4 percent lamang din ang nasabing wala silang tiwala.
Ang survey result ay may plus minus percent na marginal error.
144