PUGOT-ULO BANTA NI DU30 VS DRUG SYNDICATE

coca20

(NI LILIBETH JULIAN)

MULING nagpakita ng gigil si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sangkot sa ilegal na droga na patuloy na namamayagpag sa bansa sa kabila ng mahigpit na kampanya ng pamahalaan laban dito.

Ito ay matapos ibulalalas ni Pangulong Duterte ang kanyang tapang sa pagbabantang pupugutan ng ulo ang mga sangkot sa ilegal na droga na tumutukoy hindi lamang sa mga drug addict na Filipino  kundi ay maging ang mga miyembro ng Sinaloa, isang Mexican drug cartel at mga Chinese na kasapi ng Triangle Triad.

“Pag hindi ako busy, may oras lang ako pupugutan ko ang mga miyembro ng dalawang international drug syndicate na ‘yan,” wika ng Pangulo.

Gayunman, nagpaabot ng apela ang Pangulo sa dalawang nabanggit na drug syndicates na itigil na ang kanilang ilegal na operasyon sa bansa dahil tinitiyak nitong kamatayan ang kanilang matatamo.

“Wala akong pakialam kung malabag ko man ang kanilang karapatan-pantao, ang importante ay maubos sila. Wala silang puwang na manatii sa Pilipinas,” wika pa ng Pangulo.

Tiniyak ng Pangulo na hindi ito papayag na maging talamak ang operasyon ng ilegal na droga sa bansa dahil ito ang ugat ng karahasan.

230

Related posts

Leave a Comment