ABU SAYYAF NA DUMUKOT SA 15 KATAO ARESTADO

abu

(NI JESSE KABEL)

NADAKIP ng mga tauhan ng PNP National Capital Region Police Office, ang tinaguriang isa sa  most wanted Abu Sayyaf member na sangkot sa pagkidnap ng 15 katao .

Ayon kay NCRPO Director Guillermo Eleazar nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Regional Special Operations Unit (RSOU), NCRPO at  Regional Intelligence Division (RID), NCRPO, kasama ang  PNP-Intelligence Group(PNP-IG), ang suspek na sangkot umano  sa pagdukot sa mga tauhan ng Golden Harvest Plantation noong 2011.

Kinilala ni Director Eleazar ang suspek na si Sen Asmad alyas  “Abu Nas”, Alias “Suhud”, “Jul” a.k.a. Sudais Asmad y Sali, 25, Muslim brother ng  Yakan tribe, mula Landang, Zamboanga, del Sur, kasalukuyang delivery boy, at nagtatago sa Baseco Compound, Block 9, Tondo, Maynila.

Sinabi ni P/Chief Inspector Myrna Diploma, nakasagap ang kanilang mga tauhan na nasa Elcano Street, Barangay 271, Binondo, Manila, ang suspek. Agad na nagsagawa ng law enforcement operation ang mga tauhan ni Elezar. Nabawi sa suspect ang baril, bala at ilang identification cards.

Si Asmad ay kasama sa dumukot sa 15 empleyado ng Golden Harvest Plantation sa Barangay Tairan, Lantawan, Basilan Province.

Isa sa kidnap victims ang positibong kumilala at gumawa ng kanyang salaysay  sa partisipasyon ni Asmad sa kaso.

230

Related posts

Leave a Comment