PYTHON SNAKE PAPUNTANG MALAYSIA, HULI SA LOOB NG SPEAKER

ahas12

(NI FROILAN MORALLOS)

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kargamento kung saan nakapaloob ang buhay na python snake, na itinago ng may-ari sa loob ng bluetooth speaker.

Ang nasabing kargamento ay papuntang Malaysia at na-intercept ito ng mga taga-Customs pagdaan sa x-ray machine noong Mayo 5.

Nabatid na umaabot sa  20 inches ang haba ng python at ayon sa mga ito umaabot pa ito hanggang 32 ang haba kung saan kaya nitong kumain ng tao o mga hayop na lumalapit sa kanya.

Agad namang inilipat ang python snake sa pangangalaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kaugnay nito, nagbabala si Customs NAIA district collector Mimel Talusan sa publiko na ang pag- import, export ng mga wildlife animals nang walang kaukulang permit ay isang paglabag sa  Republic Act 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act in relation to R.A. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Ang violators o lumabag sa naturang batas ay mayroong kaparusahan na pagkakulong ng hindi bababa sa isang taon hanggang dalawang taon at may multa na aabot sa P2,000 hanggang P200,000.

153

Related posts

Leave a Comment