(NI HARVEY PEREZ)
INIHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) na sisimulan sa Agosto, ang susunod na voter’s registration para sa susunod na eleksiyon.
Binigyan-diin ni Comelec spokesperson James Jimenez, sisimulan ito sa Agosto 1 hanggang Setyembre 30 lamang.
Inaasahan nj Jimenez na aabot sa dalawang milyon na bagong botante ang magpaparehistro para makaboto sa susunod na eleksiyon.
Sinabi ni Jimenez na hindi na kailangan pang magparehistro ang mga Sangguniang Kabataan (SK) voters, na tutuntong sa edad na 18-anyos, dahil awtomatiko nang ililipat ng Comelec ang kanilang pangalan sa listahan ng mga botante.
“Voter registration is expected to run Aug 1 to Sept 30, 2019, inclusive of Saturdays & holidays. Appx 2M new voters are expected,” ayon kay Jimenez.
Pinaghahandaan na nila ang darating na Barangay at SK elections sa Mayo 2020, alinsunod sa Republic Act 10952.
Magugunita na may 61 milyong rehistradong botante ang nakilahok sa 2019 midterm polls.