JOHN LLOYD SOBRANG MISS NA NG MGA FANS

johnlloyd12

(NI RK VILLACORTA)

IBA talaga ang pagkaka-miss ng fans ni John Lloyd Cruz sa kanya.
Madaling araw yesterday (Friday), may isang nag-post sa IG ng picture ng aktor. ‘Di ko lang alam kung bago ito pero fresh looking ang aktor dito and not the typical Papa Lloydie na nasa latest photo na nagkalat online with Bea Alonzo na mahaba ang buhok at may balbas.

Ni-repost namin ang picture sa IG account namin with caption na: “Post ni Lloydie sa kanyang IG kaninang madaling araw. Nagbabadya na nga ba ang kanyang pagiging aktibo muli sa showbiz?”

In less than 15-20 minutes, naka-52 likes na ito, patunay lang na malaki ang clamor for a JLC comeback.

Sa katunayan, may iba’t ibang reactions na kaagad ang netizens ng naturang picture.

Sa recent viral photo ni Lloydie with Bea sa El Nido, Palawan, walang explanation kung para saan ang shoot na ‘yun. Both ay ayaw magbigay ng detalye pero alam mo na may niluluto sila na ayaw muna nilang i-reveal.

Sa indefinite leave ni Lloydie, walang balita sa aktor except sa mga “paparazzi-style” photos at pagpapa-selfie sa kanya ng fans.

Sa pananahimik ng aktor, kakapiranggot lang ang mga balita tungkol sa kanya ang nakakarating sa media.

As of this writing, di ko pa batid kung may malaking selebrasyon sa June 27, ang first birthday ng anak ni Lloydie sa dating sexy actress na si Ellen Adarna.

87

Related posts

Leave a Comment