REKLAMO NG DILG VS 52 BRGY OFFICIALS ‘IBABASURA’ NG COMELEC

comelec12

(Ni NELSON S. BADILLA)

SA ‘basurahan’ ng Commission on Election (Comelec) ang bagsak ng mga reklamong isinampa ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa 52 opisyal ng iba’t ibang barangay dahil sa ‘aktibong’ pangangampanya.

Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, wala namang kasamang mga ‘verified complaint’ ang mga kasong isinampa ng DILG sa Comelec laban sa mga opisyal ng barangay na magpapatunay na nangangampanya ang mga ito, kaya hindi uusad ang kaso.

Ang pangangampanya ng mga opisyal ng barangay para sa mga kandidato ay ipinagbabawal ng Omnibus Election Law at Civil Service Act.

Ang pahayag ni Jimenez ay may kinalaman sa mga kasong inihain mismo ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III sa Comelec nitong Huwebes.

Ani Densing, ang mga reklamo ay sinamahan ng mga litrato at video. Ngunit, idiniin ni Jimenez na hindi ‘reklamo’ ang mga litrato at video.

Dahil dito, hindi papatulan ng Comelec  ang mga kasong dala ng DILG.

 

73

Related posts

Leave a Comment