MABABANG OVERSEAS VOTER TURNOUT INAASAHAN NG COMELEC

comelec james12

(Ni FRANCIS SORIANO)

INAASAHAN na ng Commission on Elections (Comelec) ang mababang turnout ng boto para sa overseas absentee voting para sa midterm elections.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez,  pangkaraniwan na umano na mababa ang voter turnout tuwing midterm election kaysa sa presidential election kaya malabo na mas mataas ang voter turnout ngayon kung ikukumpara noong 2016 presidential election.

Base sa kanilang tala ay 21% mula sa kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa iba’t ibang panig ng mundo kung saan isasagawa ang overseas voting ang inaasahan ng poll body.

Isa umano sa posibleng maging rason ng mababang turnout ay ang lokasyon ng mga botante mula sa polling station o sa mga konsulada at embahada na nagsasagawa ng botohan kung saan senatorial candidates at party-list groups lamang ang kanilang pagpipilian.

 

89

Related posts

Leave a Comment