(NI NOEL ABUEL)
PINURI ni Senador Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ginawa nitong pagbalasa sa Philippine National Police (PNP).
Aniya, tama lang na magkaroon ng pagpapalit sa hanay ng PNP matapos na rin ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon, at ang mga pagsisiyasat sa Justice and Human Rights Committee na nakalantad ang ‘agaw-bato’ scheme na kinasasangkutan ng 13 mga opisyal ng pulisya na tinaguriang mga ‘ninja cops’.
“I would like to commend the President, nagalit siya, nagkaroon ngayon ng overhaul, naglilipatan lahat,” ani Gordon.
Una nito, kinumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na ikinagalit ni Duterte ang kontrobersyal na ‘ninja cops’ sa illegal drug activities at sinabing nagdadalamhati ang Pangulo na ilang miyembro ng PNP ay nakagawa pa rin ng iligal na gawain sa kabila ng nadagdagan na at nadoble ang kanilang mga suweldo.
Inihayag ni Lieutenant General Archie Francisco Gamboa na ang lahat ng mga opisyal ng PNP ay inilalagay sa isang tatlong buwang probisyon simula Lunes, Oktubre 21, kasama na ang mga regional directors at chief of directorates.
Siniguro ni Gordon na kasabay ng balasahan ay pagpapatuloy rin ng Senado ang pagbabantay sa PNP.
“I can assure you, the Senate is going to watch with eagle eyes and see whether this thing will stop,” ani Gordon.
162