RIDERS NAKAHANAP NG KAKAMPI SA KONGRESO

rider12

(NI BERNARD TAGUINOD/PHOTO BY NORMAN ARCIAGA)

WALA pa ring tatalo sa police visibility bilang pangontra sa mga krimen at hindi sa pamamagitan ng doble at malalaking plaka na ikakabit sa mga motorsiklo na tinututulan ng mga riders.Ito ang pahayag ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza sa umiinit na protesta laban sa “doble plaka law” o ang Republic Act (RA) 11235 na kilala din sa Motorcycle Crime Prevention Act.

Ginawa ang nasabing batas noong nakaraang taon dahil sa sunud-sunod na krimen na ang mga kriminal ay sakay ng motorsiklo o ang tinatawag na riding in tandem.

“Ang dapat pagtuunan ng pansin ng mga awtoridad ay dagdagan ang police visibility at patibayin pa ang pagbabantay laban sa mga riding-in-tandem na criminal elements, at hulihin at ipakulong ang mga ito,” ani Atienz.

Gayunpaman, tinututulan ng mga motorcyble riders ang nasabing batas dahil mapanganib umano sa kanila ang malalaking plaka na ikakapit sa likod at harapan ng kanilang sasakyan.

Nakakasagabal umano sa pagmamaneho ng motorsiklo ang mga malalaking plaka na obligadong ikabit ng mga riders para sila makabiyahe.

Subalit ayon kay Atienza, hindi solusyon ang doble plaka para masugpo ang riding in tandem sa doble plaka dahil wala pa rin umanong tatalo sa police visibility kung nais ng mga otoridad na masugpo ang kriminalidad.

Dahil dito, ipinakokonsidera ng mambabatas ang pagpapatupad sa nasabing batas upang hindi malagay umano sa panganib ang buhay ng mga nagmomotorsiklo na pinakabilis na paraan ng transportasyon ngayon dahil sa problema sa trapik araw-araw sa Metro Manila.

“Aminin na natin ang pagkakamali at ayusin ang batas na ito. Dahil kung ang mismong batas na ipatutupad ang siyang maglalagay sa panganib sa buhay ng mga motorcyclists, hindi maganda ang kahihinatnan nito,” ani Atienza.

 

181

Related posts

Leave a Comment