RIGODON IPATUTUPAD BAGO ANG SONA

duterte500

(NI BETH JULIAN)

ASAHAN na ang pagkakaroon ng rigodon sa Gabinete ng pamahalaan bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo.

Sa ngayon ay sumasailalim na sa matinding assessment ang performance ng mga Gabinete, bilang bahagi ng ginagawang konsultasyon ng Pangulo sa kanyang finance advisers lalo’t itinuturing ng administrasyon na mahalaga ang nalalabing tatlong taon nito sa panunungkulan.

Batay sa source sa Palasyo, isa sa ikinokonsidera ng Pangulo na mailipat ng ibang puwesto si Agriculture Secretary Manny Pinol na posibleng maitalaga sa Mindanao Development Authority.

Gayunman, hindi pa naman ito pinal at maaari pang mabago ang pasya ng Pangulo.

Samantala, bukod sa mga miyembro ng Gabinete, posibleng maisailalim din sa rigodon ang mga nasa Bureau at attached agencies ng pamahalaan.

Ang rigodon na ito ay dahil nais ng Pangulo na mapanatili ang pagtanggap ng publiko sa kanyang pagangasiwa sa bansa.

178

Related posts

Leave a Comment