ROAD BOARD BINUWAG NA NI DU30

duterte17

(NI BETH JULIAN)

TULUYAN nang binuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Road Board.

Ito ay matapos pinal nang lagdaan ng Pangulo ang Republic Act 11239 noong Marso 8.

Dito, sa ilalim ng batas, inatasan din na ibalik sa National Treasury sa ilalim ng isang special account ang perang nakolekta ng Road Board mula road users’ tax.

Nakapaloob din sa bagong batas na inaatasan ang mga kalihim ng Department of Budget and Management (DBM), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Transportation (DOTr) na ipatupad ang lahat ng kinakailangang pag-amyenda sa sistema, polisiya at layunin ng nasabing batas.

Ililipat naman sa DPWH, partikular ang mga kuwalipikado at kailangan ng departamento, ang mga empleyadong maapektuhan sa pagbuwag ng Road Board, habang ang mga hindi maililipat sa DPWH ay bibigyan ng separation pay alinsunod sa batas.

Papayagan naman na magretiro na ang mga paretiro nang kawani kung saan tatanggap sila ng kaukulang retirement benefits na nararapat sa kanila.

Base sa talaan ng Commission on Audit (COA), umabot na sa P166.18 bilyon ang nakolekta ng Road Board na road users’ tax na naglalayong gamitin sa maintenance ng mga kalsada, mula taong 2001 hanggang 2018 na nasa P138.87 bilyon ang sinasabing nagamit na.

 

 

255

Related posts

Leave a Comment