(NI NOEL ABUEL)
WALA nang makakapigil at tuluy-tuloy na ang pagbuwag sa Roadboard.
Ito ay makaraang i-adapt ng Senado ang inaprubahang ammendments ng Kamara sa kanilang House Bill No. 7436 o Road Board Abolition.
Bago ang adaption, ni-recall din ng mga senador ang nauna nilang inaprubahang panukala na bumubuwag sa tanggapan.
Sa bagong panukala, maliban sa pagbuwag sa Road Board, isinaad din na ang pondo mula sa Road Users Tax ay ipapasok na sa National Treasury.
Sinasabing sa ganitong paraan ay magkakaroon na ng kapangyarihan ang Kongreso na maaprubahan ang alokasyon mula sa naturang pondo.
Nilinaw rin ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na hindi na nila kailangan ng bicam meeting sa naturang panukala at isusumite na lamang ito sa Pangulo para sa kanyang paglagda.
“Enrolled na ‘yan this week. Hopefully by next week or latest 1st week of February na kay Presidente na,” saad ni Zubiri.
159